Monday, November 27, 2006
"Today...before you think of saying any unkind word,

think of someone who can't speak....

before you complain about the food you eat,

think of someone who has nothing to eat.

Before you complain about life,

think of someone who went too early to heaven...

and when you are tired and complaining about

your job, think of the unemployed, the disabled

and those who wished they had your job...

and when depressing thoughts seem to get you down,

put a smile on your face and thank GOD you are alive

and still around...Life is a gift."



Natanggap ko ang message na ito kaninang umaga paggising ko, galing sa mabait na kaibigan, thank you sis....
Sa dinami dami ng na-received ko, bakit eto lang ang pi-nost ko? Na-inspired lang ako kasi parang tumugma lang sa pangyayaring na-encounter ko.

Sumaglit ako sa isang grocery store malapit sa lugar namin kani-kanina lang, pagpasok ko dumiretso agad ako sa toiletries. Napansin ko ang isang marshal ng grocery na nakasilip at may minamanmanan sa di-kalayuan, sa area ng mga biscuits at sitsirya. Out of curiousity, lumapit akong bahagya sa kinatatayuan niya. Isang batang lalaki ang binabantayan niya na sa tantiya ko ay edad siyam or sampung taong gulang na. Payat ang bata at medyo gusgusin. Tipikal na batang kalye ang hitsura.

Pinagmamasdan ko ang bata , tipong may hinahanap...kukuha siya ng item, sisipatin ang presyo...magbibilang ng hawak niyang barya at saka ibabalik muli ang hawak sa kinalalagyan nito kung saan niya kinuha. Mga dalawang beses iyon. Lumapit ako sa kinaroonan niya at nagkunwaring namimili rin. Hawak niya ang isang Oishi at muling nagbilang ng pera niya.
Tinanong ko siya "gusto mo iyan?" hindi siya sumagot nakatingin lang siya sa akin, nagtataka siguro kung bakit ko siya kinakausap..eh hindi naman niya ako kilala.

Hindi ko na rin naman inaasahang sagutin niya ako, inabutan ko siya ng maliit na halaga sabay sabing "sige, bilhin mo ha" nagulat marahil siya sa ginawa ko napatingin siya sa akin, hindi man siya nagsalita o nagpasalamat alam kong kahit papaano'y natuwa siya at kitang kita ko iyon sa mga mata niya.

Tumalikod agad ako nang tinanggap niya ang pera, ewan ko pero...ako ang na-teary eyed sa ginawa ko. Naiinis kasi ako eh, di ko alam kung bakit...at kanino , basta medyo sumikip ang dibdib ko, kasi nga naiinis ako.

Tiningnan ko siya muli, kumuha siya ng dalawang klase sabay pila sa cashier. Doon napangiti na ako.
Hindi ko ibinabahagi ito para ipaalam ang ibinigay kong maliit na amount or para matuwa kayo sa akin, kundi naisip ko lang na ang suwerte ng mga anak ko...ako...kayo....tayo...kasi 'di ba nakakain natin ang mga pagkaing gusto natin tapos yung bata na iyon anim na pisong Oishi lang hindi pa niya mabili? nakakainis naman talaga 'di ba?

Nasa parking lot ako nang binasa ko uli ang text na na-received ko kanina....sabi ko sa sarili ko, "yes...Life is Good. Thank You God."
 
posted by nona at 2:15 PM |


23 Comments:


At 4:45 PM, Anonymous Anonymous

dont forget to thank God! and life is indeed, beautiful! =)

nakita ko yung pic na 'yan sa email. natawa ako. kasi ang text na nakalagay, "wassup mah nigga?!" hahahahaha! laf3p kaya! hehehe

 

At 5:03 PM, Blogger nona

himala! pers ka?...
yes...Life is Great...

cute nga ng mga bebe, the blonde and the niggas :)

 

At 5:55 PM, Anonymous Anonymous

beautiful message and thanks for sharing it!

I agree that life is beautiful and I also believe that before we count our misfortunes let us count first our blessings. Buhay pa nga lang natin, ,malaking blessing na di ba?!

And I commend you for the kindness you gave to that boy! And remember " Someone " saw it and is very happy.

Ang sarap ng feeling no!, if you give or do something for someone even how small it is.

 

At 6:00 PM, Blogger Miss Blogger

Grabe sis, naluha ako sa kwento mo… sobra ang plight ng ibang kababayan natin talaga… nakakahabag at minsan kahit na ala ka rin halos maibigay, talagang napapaabot ka. Lalo na't maisip mo na maswerte ka pa rin at you eat 3 meals a day. And 6pesos na pagkain… nalungkot ako bigla kasi I ate rice kanina at konti lang nabawas ko :( Andaming naghihirap na tao… tsk tsk… minsan, you'd ask Him.. Bakit ganon? I mean, why let children suffer? Yung mga parents nila anak nang anak nde pala sila mapapakain…

Dala yata ng panahon ang melancholy natin, sis! Parang andami nating ganito ang mood lately… At nde kaya sisters talaga tayo?? Hehehe! Nabagot ako, sumunod ka… sabay pa natin naisip ang ganitong topic! Hahaha! O smile ka na dyan :) I will send you something that will make you laugh naman hehe…

Basta, isipin natin lagi, God is good. And that He has his own plans for each one of us. We can only do so much…

Luv yah, sis! I'm so glad I've met you! Nakakatuwa kasi I never intended to be close to anyone when I started blogging but here I am, super nakaka-relate sayo at natutuwa na I found a sis in you… *hugs* for you, sis… God bless!

P.S. Ang haba ng comment ko, parang isang post na yata! Hahaha!

 

At 7:07 PM, Blogger Ann

Minsan naman nasa bakasyon kami at nag-aabang ng masasakyan, kasama ko si tin2, 3 yrs old lang sya noon. May hawak syang chocolates. Nakita ko yung 2 magkapatid na street children at nakatingin sa mga chocolates na hawak ni tin2. Kinausap ko si tin2 na ibigay na lang sa 2 bata kase sya pwede naman bumili ulit.Pinagpaliwanagan ko sya. Pumayag naman at sya pa nga ang nagbigay. Nakita ko yung tuwa sa mata nung 2 bata.

 

At 8:01 PM, Blogger JM

nainis din ako.

im alone here,crying and typing this...

 

At 11:25 PM, Blogger tina

parang ako din *teary eyed* *sigh* di lng teary eyed.. medyo cry din.. ang emo din kasi nang tugtog ko.

kaya count your blessings.. and name them one by one.. so that one would not feel too bad for whatever "misfortunes" that comes their way.

Ang sweet mo naman. :) Hayyy... life is beautiful :P

 

At 11:42 PM, Anonymous Anonymous

hindi ko alam kung teary eyes ako pero ang alam ko natouch ako dito :) alam mo bang madalas mangyari sa kin yung nangyari sa bata?

 

At 11:15 AM, Anonymous Anonymous

touched naman ako...masarap ang feelings pagkatapos,well,alam ko kung bakit sumikip ang dibdib mo...matinding awa ang naramdaman mo,at the same time ay napasaya ka ng sarili mo..

keep up the "generosity in you",Nona.

ganda ng msg..

 

At 12:14 PM, Blogger Wendy

Life is good gurl... definitely!
Nangiti ako sa nabasa ko sa site mo... no joke!
*smile* blessing ka gurl doon sa batang inabutan mo.

 

At 1:23 PM, Blogger fayenget

Life is beautiful indeed! you have a good heart =)

 

At 7:38 PM, Blogger The Itinerant

life is fair enough because of the people around us, kaya di natin masasabi na malas tayo dahil kahit papano, may puso pa rin tayo... see? ate, I salute you, and what moved you to do that? im sure, the one who whilst it... good on you. God bless u and ur family....

 

At 7:33 AM, Blogger Unknown

touch ako! sana marami pang tao ang katulad mo ate...

haaayy...ang sarap ng feeling pag may natutulungan...

sana mas marami pang blessings ang ma receive mo at ng marami ka pang matulungan...

 

At 8:36 AM, Anonymous Anonymous

sis!!!! musta!??!?! sorry if ive been MIA lately....ive just been busy and lazy...haha! is that even possible to be used in the same sentence??? i hope youre doing good. holidays are here and it puts me in a festive mood!! i absolutely love christmas most of all! not because of receiving presents but giving them! anyhow.....ill be back im sleepy na! haha! ingatz sis! xoxo!

 

At 12:25 PM, Blogger Iskoo

na touch ako sa ginawa mo, mahal ng Lord mga bata, kaya kahit sa paaanong paraan natin i-bless ang mga bata, siguradong pagpapalain tayo ng Panginoon.

ako di basta nagbibigiay ng limos sa bata pero kung pagkain kagaya ng ginawa mo, 100% agree ako sa pagbibigay tulong sa bata na nagugutom.

 

At 2:58 PM, Blogger penoi

ang bad mo talaga nona..pinaluha mo ko.. huhuhuhuh... God is Good all the Time!!!

 

At 4:29 PM, Blogger nona

Thank you sa lahat ng nag-comment. Hindi ko na kayo isaisahin 'coz lahat naman tayo may pare-parehong paniniwala when it comes to this.

Maliit na bagay lang ang ginawa ko 'though ang sarap naman talaga sa pakiramdam na makapagbigay tayo maliit man o malaki as long as taos sa puso natin. Alam ko naman na kahit sino siguro sa inyo will do the same thing as I did.

Salamat uli...:)

 

At 6:45 PM, Anonymous Anonymous

tama tama tama..

nakakaluwag ng dibdib ang magbigay ng walang inaantay na kapalit...

salamat.. salamat... sa iyong ibibigay sa akin... hehehe

 

At 10:26 PM, Anonymous Anonymous

walang pasok bukas dahil may paparating na bagyo. kaya nagpaparamdam lang :)

 

At 12:19 AM, Anonymous Anonymous

siguro nga i'm on a hiatus pero lagi naman akong nabisita sa mga blogger hindi lang nagpaparamdam... may naalala tuloy ako sa nipost mong entry hala ka hayan na tuloy ang ieentry ko sa susunod iyung naalala ko hek hek hek...

 

At 12:51 PM, Anonymous Anonymous

napadaan lng...
miss you ate...

 

At 3:02 AM, Anonymous Anonymous

naisip ko rin minsan bakit life is so bitter. hay buhay parang life ika nga.

 

At 1:37 PM, Blogger nona

oo BEE sila yung mga Bob Marley fan...:)

naku true ka diyan, ngayon pa lang may mga chikababe na iyan hahaha!...sabi ng teacher niya marami daw nagkaka-crush. omigoshi, bigla akong natakot baka magka-apo ako ng maaga waaaaa!