Sunday, January 14, 2007
Nakareceive ako ng text from rembert "nona, and2 na si RAKKI!" Raquel's our friend based in Hongkong, huli kaming nagkitang tatlo five(5) years ago na nang dumating si Rembert galing ng amerika, we've been friends since 1989 pa kaya super excited ako sa pagkikita namin sa tuesday! They're both single, why oh why?
Lagare na naman ako, sa wednesday may girl talk kami ni she! yuhoo!

So bago pa mapanis etong taggie ni sis or baka napanis na heto ginawa ko na...

Ten Things I would never do (again)

1. Hold video cam or camera at Singapore's Causeway Immigration, never again!

One time kasi galing kami ng Johor, Malaysia at papunta kami ng Singapore, I'm holding our Video Cam, alam ko namang bawal kuhanan. Kinakalikot ko lang siya at paglampas namin ng custom ay pinahinto ang sasakyan namin at ayun na,imbestigasyon. They checked the vcam for any footage, eh wala naman akong kinuhanan kundi ang mga kakikayan namin sa aming mga pinuntahang lugar :P
Nung wala namang makita (pahiya sila,in fairness hindi naman po sila rude), kinuha pa ang address ko sa Pinas,in case daw kasing may nangyari papatawag ako for investigation. sa inis ko nga pati tel. nos ko sa Pinas ino-offer ko na. It took more than 2 hours na questioning.Grabeh!akala yata terrorist ako?

2. Leave home without my passport(kapag nasa ibang bansa)

Pupunta lang kaming grocery ni hub kaya hindi ko na dinala. Pag-uwi namin nagkaroon ng check point, natakot ako dahil hinanap ang papers ko. Mabuti na lang marunong magsalita ng bahasa si hubby kaya ok na. Ang higpit pa naman sa Malaysia kailangan lagi mong dala ang passport mo or else sa kulungan ka muna magpalipas ng gabi.

3. Hire a maid nang basta basta na lang.

Kung nabasa niyo ang dati kong post regarding akyat bahay, iyon yun. naakyat bahay ako..at na-confirm ko na kasabwat siya.

4. Say YES to Networking.

Argh! ilang networking na ba ang sinalihan ko? actually, hindi naman talaga ako mahilig diyan hindi ko lang matanggihan si sis-in-law, si cousin, si friend...si client... kaya ngayon kahit sino pa ang mag-alok, A-YO-KO NA!

5. Ang maligo sa Dagat

Ewan ko nagka phobia na yata ako, noong bata kasi ako muntik na akong malunod dami kong nainom na tubig,kapag nakakita ako ng dagat naaalala ko. Kaya everytime na magbeach kami patampi-tampisaw na lang ako.

6. Lost doctor's prescription:

I was prescribed medications for my skin allergy,almost a month na kasing everyday ako namamantal, pagkabili ko ng gamot na misplace ko ang reseta. Tatlong klaseng gamot iyon at nabalibaligtad ko ang dosage,before bedtime ko ininom kaya hanggang kinabukasan tulog ako the whole day. Natakot mga kasama ko sa bahay :P ang sama ng feeling sobrang bigat ng katawan ko even the next day kaya two days akong hindi nakapasok sa work.

7. Ang umorder ng sago't gulaman sa M**'s Restaurant(pasintabi sa mga kumakain)

Nadala ako kasi me nakita akong palutang lutang na ipis na maliit sa drink ko.Ang saklap, kasi nakainom na ako nang makita ko YUCKS! :(

8. Ang ibigay ang full trust especially kapag business ang usapan.sorry, hindi ko na idedetail.

9. Maging abrupt buyer. basta!

10.Drink and drive...konti na lang.di ba Ghee? hehehe...

 
posted by nona at 12:14 AM |


33 Comments:


At 11:02 PM, Anonymous Anonymous

ako firstttttttttttt...

 

At 11:05 PM, Anonymous Anonymous

yayyyy!me first!!! LOL!

ang higpit palang sobra sa Singapore?siguro dala na sila sa paparazzi??at pati pala passports,chinicheck agad?this is a nice infor for us,Nona!one day,who knows baka makapunta rin ako sa SIngapore.

ah yes!nabasa ko rin yung post mo about your maid.networking,tsk..ayoko yatang pasukin yan...

tama Nona,dont drink while driving,ang ganda pa nman ng car mo!!haha!yung car pala ang inalala,di ikaw eh no?*wink*

eiii,may girls talk kayo ni She?sama ako,LOL!

hugggggs!

 

At 11:05 PM, Anonymous Anonymous

ako nga yuhuu!

asus mag energy drink ka sasabak ka pala sa lakaran heheh...

 

At 11:05 PM, Anonymous Anonymous

ngekk,may nauna pla! hehe

 

At 11:16 PM, Blogger JM

nasagot ko na rin ang tag ni sashing kaya lang tinamad ako kaya 1 lang outcome heheh...

ako din kahit saan ako magpunta daladala ko passport. yoko rin ng networking

 

At 11:54 PM, Blogger nona

mousey and Ghee Haha! cgeh na kayong dalawa ang first!

GHEE:

Oo, sobra. "fine city" nga tawag sa SG...fine as in every offense must pay! :D
must bring your passport, kasi may mga biglaang check point, mahirap na.
Haha!
yup, sa wed.doon pa rin pero sa ibang resto naman.Halika sama na!:D

 

At 11:59 PM, Blogger nona

MOUSEY :
kayang kaya pa...mouse!

JUANA:

Nai-post na ba? macheck nga.
Nadala na ako jo, kasi nakakainip maghintay na matapos ang check point, nangyari na iyan once then naulit uli baka next time wala na akong kawala! kaya gusto akong tirisin ni hub...kulit ko daw! :P

 

At 7:45 AM, Blogger The Itinerant

drink and drive, yun lang matandaan ko since the last time we met, lol! drink and drink pa sana nga tayo e

 

At 8:00 AM, Anonymous Anonymous

kawawa ka naman, parang ang dami mong traumatic experiences. grabe yung nangyari sa iyo sa singapore. ganun pala kahigpit doon.

talaga, may ipis sa may max's? ano ang pinalit nila sa drink mo? libre bill ninyo? that's very irresponsible of them.

 

At 8:42 AM, Blogger tina

Ganyan talaga pag nasa customs. Ganyan din ang nangyari nung nasa Hong Kong kami minus the interrogation nga lang. Hehe. At hindi ako yun.. yung kasama lang namin hehe.

Advice sa kin nila mama... never leave the passport always bring it with you everywhere.

Naku Inside Job ? -_-

Yup.. full trust sa business. Lalo na pag partnership. -_- Hirap. hihi

 

At 11:11 AM, Anonymous Anonymous

Aba naman! Lagare pala ang byuti mo! Hehehe… Ansarap naman nyang ganyan, no? Kita kits after not seeing each other for a period of time. Kami nga sa Sat bago punta ng Bataan may get-together ng barkada. Medyo tagal na kasi last na nagkasama-sama kami. Parang nung July 2006 pa. Chika to the max kayo ng mga friends mo for sure! At kumusta naman? 2 days na puro single ang imi-meet mo! Hahahah! Sis, maya text kita what time tayo kita :)

Ang higpit talaga sa Singapore ano, sis? Ako naman dala ang passport lagi hahaha! Feeling nasa ibang bansa! Kasi naman nasa bulsa ng bag ko lagi yun. Malay mo naman di ba, maisip ng boss ko na isama ako sa labas ng bansa. Nyahahaha

Ang hirap magtiwala sa iba talaga sa ngaun. Tignan mo nga yang maid na nakuha niyo dati. Tsk tsk… akyat bahay pala! Tapos yung sa business… tsk tsk… hirap talaga. Di bale, sabi nga ng kanta ni Alicia Keys… what goes around comes around…

Swimming sa dagat… hmm.. Ako naman na-overcome ko na yung fear ko. Except ayun nga, nde ako marunong lumangoy :( Pero sa paglipad may chance pa naman matuto kaya lipad na lang, di ba, mmy lei and wendy? Hahaha

Drink and drive?? Nandyan nga ang challenge e! Hahahah! Joke! 1 bote lang naman pwede na hahahha

 

At 11:27 AM, Blogger Wendy

Yaikkkksssss... IPISSSSSS... my goodness... makipaghabulan na tayo sa daga 'wag lang sa ipis... 'di sila kaya ng powers ko... promise!

Lagare ba nona gurl? Oks lang 'yan, kaya naman ng powers mo, 'di ba? Sama mo pa powers ni Sasha gurl... aba, eh, daig pa ninyo power rangers *wink*

Ka-excite naman at magkikita-kita kayong magkakaibigan... gustung-gusto ko ang ganyan gurl... really!
Ako last week kasama ko mga kabarkada ko noong high school sa bahay... hahaha... nag-dinner sila sa amin, 'yun nga lang, sila nagluto ng sarili nilang ulam... imagine ah, bahay namin 'yun, pero sila nagluto... nyahahaha... parang bahay din nila.

 

At 11:38 AM, Blogger Monica

hello ate, musta?
miss you na, hehehe...
sabi mo sa blog mo quick post?
ang haba naman eh, hehehe...
God bless po! ^_^

 

At 4:48 PM, Blogger nixda

drink & drive pero dapat alang alcohol :P

sa karagatan namin kapag nag-16 may i.d. na, di lang dayuhan ang kinokontrol, mabuti rin iyon para kung may masamang nangyari madaling maipapaabot ang balita sa kamag-anak

 

At 11:33 PM, Anonymous Anonymous

naku te, hindi ako marunong lumangoy kaya hindi ko magagawa iyan sa dagat! yaaaay... nakakatakot!

teka, ganon?! pagkamalan bang terorista?? sa ganda mong yan! lusubin ko sila dyan eh! ang higpit talaga nila sobra!! tsk..

girl-talk huh??! sasama rin ako... 4 na tayo nina ate ghee! hahahaha! misssshuuuu te! ingatz po!

 

At 11:46 PM, Anonymous Anonymous

Uyyy! How are u na?

 

At 6:05 PM, Anonymous Anonymous

higpit pala dyan sa Singapore. Pero ok rin. Atleast, disiplanado talaga ang mga tao. Wala pang gaanong crimes na nagaganap sa higpit ng seguridad. Tama ba ko? Hehe, nabalitaan ko lang. Parang ang sarap nga tumira doon, kasi parang safe ka talaga dun. Hehe!

 

At 11:24 PM, Blogger nona

KUYA :
Di pwede eh, :) baka mapaaga ang pag alis

 

At 11:27 PM, Blogger nona

CESS:
lesson learned, di na uulitin :)
Oo meron, grabe! pinalitan ang drink and nagbigay ng desert...pero hindi yun ang importante, kasi nang makita ko di ko na kayang kumain.sana lang praktisin nila ang maayos na kalinisan sa kusina.

 

At 11:30 PM, Blogger nona

TINA:
yup Tina, never leave home without...
Mahirap din pala ang ibigay ang Full trust...yes, korek...esp sa partnership! napinpoint mo...

 

At 11:37 PM, Blogger nona

SIS:
lagare, as in. hehehe...
oo nga puro single...kayong tatlo! :D
Lesson learned sis, mahirap maging mabait at magbigay ng buong trust...kagaya nga ng naikwento ko sa iyo di ba?...esp sa business, tsk!
Sa drink and drive...now, alam mo na kung bakit? hahaha! di ko na inilagay kasi it's too much na.
Wish ko rin makalipad...sabit na lang ako sa iyo...:D

 

At 11:40 PM, Blogger nona

WENDS:
kayang kaya pa! :D malakas ang powers natin diyan. ang saya nga 5 years kaming di nagkita. Ganun naman kami, kahit ilang years kaming magbarkada na hindi magkita still, walang nabago sa friendship.

Hate ko rin ipis! di na ako kumain that time...:(

 

At 11:42 PM, Blogger nona

Tag kasi iyan MONIC, ok naman ako.thanks.

 

At 11:45 PM, Blogger nona

NENG:
Mas ok yung ganoon neng, may id. ang galing naman diyan.
Drink and Drive, ginagawa ko yan basta walang alcohol :D

 

At 11:50 PM, Blogger nona

RHO:
Wala tayong magagawa sis bru...patakaran nila eh. pero sabagay, look at them..maunlad sila, mas disciplined ang mga tao doon. tsk tsk...mukha kasi akong kamag anak ni LaydenBIN hahaha!
Miz u too!!! tagal mong nawala huh!

Di bale malapit na tayong mag-girl talk...*wink*

 

At 11:51 PM, Blogger nona

NOREEN:
Ok lang ako...thanks sa visit.:)

 

At 11:55 PM, Blogger nona

TIN:
may advantage rin ang pagiging mahigpit nila, oo nga mas less ang crimes kesa dito sa atin.
Masarap na mahirap...mahal kasi ang standard of living doon.

 

At 12:49 AM, Anonymous Anonymous

wala pa nagtagumpay na multilevel marketer sa akin, di ko talaga ma feel ang instant money tsaka tamad talaga ako mag recruit, madali akong madismaya :)

 

At 10:33 AM, Anonymous Anonymous

hello neighbor!! =)

musta na? ako eto, click mo na lang yung link ko, dun na ko ngayon. :)

aymishu! =)

 

At 6:31 PM, Blogger Paolo

anong resto yung m****
curious lang.

sana pag umuwi ako eh ma kilala ko rin kayo in person, saya saya. =P

 

At 4:55 AM, Anonymous Anonymous

any more posts coming ?

 

At 7:01 AM, Anonymous Anonymous

Good day !.
might , probably curious to know how one can manage to receive high yields .
There is no initial capital needed You may commense to get income with as small sum of money as 20-100 dollars.

AimTrust is what you haven`t ever dreamt of such a chance to become rich
The firm represents an offshore structure with advanced asset management technologies in production and delivery of pipes for oil and gas.

It is based in Panama with affiliates everywhere: In USA, Canada, Cyprus.
Do you want to become a happy investor?
That`s your choice That`s what you desire!

I feel good, I began to get real money with the help of this company,
and I invite you to do the same. It`s all about how to select a correct partner who uses your savings in a right way - that`s it!.
I take now up to 2G every day, and my first investment was 500 dollars only!
It`s easy to join , just click this link http://isygobug.arcadepages.com/yjovuh.html
and lucky you`re! Let`s take our chance together to become rich

 

At 12:04 AM, Anonymous Anonymous

http://infritac.la2host.ru/pagesto_220.htm how do i file bankruptcy http://corfidow.la2host.ru/frontalniy-pogruzchik-pf.html united states bankruptcy court http://izomid.la2host.ru/32-gerosio.htm bankruptcy counseling http://samocon.la2host.ru/lindi_17-05-2009.htm chapter 11 bankruptcy http://izomid.la2host.ru/02-2009.html flintkote bankruptcy trust http://densrecan.la2host.ru/75-gerosio.html general motors bankruptcy analysis http://corfidow.la2host.ru/36-gerosio.html conn bankruptcy attorney http://corfidow.la2host.ru/19-gerosio.html declaring personal bankruptcy http://enrupme.la2host.ru/pagesto_38.htm oregon bankruptcy refinancing
http://dropenpa.la2host.ru/61-gerosio.html alaska bankruptcy http://dropenpa.la2host.ru/avtokran-50t.htm california regions for bankruptcy http://lauknowhet.la2host.ru/traktor-buldozer.html mercedes homes bankruptcy