think of someone who can't speak....
before you complain about the food you eat,
think of someone who has nothing to eat.
Before you complain about life,
think of someone who went too early to heaven...
and when you are tired and complaining about
your job, think of the unemployed, the disabled
and those who wished they had your job...
and when depressing thoughts seem to get you down,
put a smile on your face and thank GOD you are alive
and still around...Life is a gift."
Natanggap ko ang message na ito kaninang umaga paggising ko, galing sa mabait na kaibigan, thank you sis....
Sa dinami dami ng na-received ko, bakit eto lang ang pi-nost ko? Na-inspired lang ako kasi parang tumugma lang sa pangyayaring na-encounter ko.
Sumaglit ako sa isang grocery store malapit sa lugar namin kani-kanina lang, pagpasok ko dumiretso agad ako sa toiletries. Napansin ko ang isang marshal ng grocery na nakasilip at may minamanmanan sa di-kalayuan, sa area ng mga biscuits at sitsirya. Out of curiousity, lumapit akong bahagya sa kinatatayuan niya. Isang batang lalaki ang binabantayan niya na sa tantiya ko ay edad siyam or sampung taong gulang na. Payat ang bata at medyo gusgusin. Tipikal na batang kalye ang hitsura.
Pinagmamasdan ko ang bata , tipong may hinahanap...kukuha siya ng item, sisipatin ang presyo...magbibilang ng hawak niyang barya at saka ibabalik muli ang hawak sa kinalalagyan nito kung saan niya kinuha. Mga dalawang beses iyon. Lumapit ako sa kinaroonan niya at nagkunwaring namimili rin. Hawak niya ang isang Oishi at muling nagbilang ng pera niya.
Tinanong ko siya "gusto mo iyan?" hindi siya sumagot nakatingin lang siya sa akin, nagtataka siguro kung bakit ko siya kinakausap..eh hindi naman niya ako kilala.
Hindi ko na rin naman inaasahang sagutin niya ako, inabutan ko siya ng maliit na halaga sabay sabing "sige, bilhin mo ha" nagulat marahil siya sa ginawa ko napatingin siya sa akin, hindi man siya nagsalita o nagpasalamat alam kong kahit papaano'y natuwa siya at kitang kita ko iyon sa mga mata niya.
Tumalikod agad ako nang tinanggap niya ang pera, ewan ko pero...ako ang na-teary eyed sa ginawa ko. Naiinis kasi ako eh, di ko alam kung bakit...at kanino , basta medyo sumikip ang dibdib ko, kasi nga naiinis ako.
Tiningnan ko siya muli, kumuha siya ng dalawang klase sabay pila sa cashier. Doon napangiti na ako.
Hindi ko ibinabahagi ito para ipaalam ang ibinigay kong maliit na amount or para matuwa kayo sa akin, kundi naisip ko lang na ang suwerte ng mga anak ko...ako...kayo....tayo...kasi 'di ba nakakain natin ang mga pagkaing gusto natin tapos yung bata na iyon anim na pisong Oishi lang hindi pa niya mabili? nakakainis naman talaga 'di ba?
Nasa parking lot ako nang binasa ko uli ang text na na-received ko kanina....sabi ko sa sarili ko, "yes...Life is Good. Thank You God."